TUESDAY.
yan ang araw ngayon, petsa Jan. 8, 2008.
late nanaman ako, alam ko yun. sabi ko nung Jan. 1, na hinding-hindi ako magkakaroon ng late ngayong taon at isinumpa ko pa yun sa muka ko, peru SIRA kagad, ampf, kanina nung nakatapak na ko sa daan papasok sa LICS ay alam ko ng late na nga ako. pagtingin ko sa orasan. 6:18 AM. late ako ng 8 minutes. anung reaction ko? wala lang. parang ok lang kahit nasira ko yung isumpa kong di-na-ko-malalate sa harap ng muka ko, madaming nakapila sa guidance. nakx, madami akong karamay. madami pa ring hindi nagbabago. xD, peru nakakatuwa naman dahil nakapagtake p rin aku ng quiz kahit nalate ako.
SOCIAL STUDIES. inaantok pa ko, at ginagawa ko na lahat ng porma para makatulog, kunwari nkatungo ako at nagbabasa peru ang totoo ay nakapikit na ang mata ko.
ALGEBRA. wala akong naintindihan, dhil nagbabasa ako ng ODD GIRL OUT. peru milagro dahil naperpek ko ang kwiz nia.
RECESS. ahm, kumaen na ko,
VALUES. oi oi party time, walang teacher at nangopya lang kmi ng lecture. habang nangongopya, mainit ang usapan nila tungkol sa movies. para hindi naman ako magmukang patapon, sumali na ko! at ayun lalung umingay ang klase.
SCOUTING.. oi oi, wala nanamang teacher! astigin tlga. tuloy pa rin ang pagbabasa ko at pag-iingay.
LUNCH. ayon onti lang kming natira sa room, kinikilig ako kela fauni at erica. hahha, kasi kasi kasi.. ehmm sikret. hahahha!
GEOMETRY. waw perpek ako sa assignment, nagbunga ang paghihirap kong magsolve. di ako nakinig sa lecture, patuloy pa rin akung nagbabasa.
CHEMISTRY. una, inanawns yung skor sa quiz, then yung sa test. haha, xempre di ako satisfied sa mga iskor ko, hayyzz.. nagquiz kami, at PERPEK ako. woooo! hahha, ipagdiwang!
PRAC. ARTS. last subject, wala na kaming sinisino, lagi naman eh. pag last subject na, nagiging party animals na kami, lalu na prac. arts pa naman, super ingay namen, peru hindi ngayon, dahil may pinagawa samin, at habang pinapagawa kmi ay ibinalik samin yung mga idrinowing namen na barbaro, ayun bumalik yung skin 17 over 30 lang ako! ayos! di naappreciate ni mam ang barbarian ko, panu naman kasi muka xang chinese dahil sa bigote, panget ang pangangatawan at ang sagwa pa ng pagkacolor. paxenxa na tlga, hindi ako mrunong magdrowing. x[
awts, nakakabadtrip tong araw na to. di namen kabatch yun boipren ko sa JS prom. huhu, at ang mas malala pa diyan, last batch pa sila. huhu, nakakayamot talaga oh. nwalan ako ng ganang magJS prom, hindi naman kasi ako magiging masaya kung hindi ko siya makakasayaw.. hayyz.. pero ok lang, aattend pa rin ako, once in a lifetime na nga toh di pa ko aattend, atsaka magiging masaya rin ako dahil makakasama ko naman ang mga kaibigan ko, malaya kming manlalalaki at mambababae! hahha! peru pauso ko lang yun, dahil wala naman kaming planong ganyan. hahha! peru nakakaasar pa rin, hayyzz.. bad3p tlga ang iskool namen, iniisip ko nga pakana to nung moderator ng st. rose para mapaghiwalay kami. hahha, eh bkt ba? wala kming ginagwang masama! dami tlgang humahadlang sa kaligayahan namen.. awww x[
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment