Thursday, January 10, 2008

tupperware.

PLASTIK. kaplastikan.

naranasan mo na bang maplastik or mamlastik?

ako?, oo. pareho. madalas sarili ko ang pinaplastik ko.. ibang tao? oo, xempre. di ko na maalala yung iba. para sakin, ang dating ng salitang 'plastik' ay yung taong hindi true sa mga pinapakita niya sa'yo.

naging plastik ako sa isang babae na hahayaan ko nalang maging blind item. naging magBESTFRIEND kami ng wala sa lugar nung elementary. bakit ba ako naging plastik sa kanya? naiinis ako dahil ang tingin niya sa'kin ay isang hamak na tagasunod. kapag may sinasabi siya, kailangan mong sundin, pag sinuway mo siya pa 'tong magagalit. kailangan pag may hiniling siya pero ayaw mo, pipilitin ka niya hanggang sa mapapayag ka at MAYABANG siya, akala mo kung sino. di pumapasok sa kanya yung mga salitang 'huwag pilitin ang ayaw'. mahirap siyang maging kagalit, SOBRA. ilang beses na rin kami nag-away niyan nung high school. 2 beses na ata yun. yung una naming pag-aaway, nakarating sa kanya na may mga sinasabi akong masama tungkol sa kanya kapag nakatalikod na siya. ang hirap niyang batiin grabe at nadamay pa yung bestfriend ko nun. di ko alam ang gagawin ko dahil isa pa wala akong iba pang kaibigan nun na mapaghihingian ko ng payo. umabot na ata na nagtampo na sakin yung bestfriend ko, at umabot na rin ng matagal na panahon na magkabati kmi. nag-usap kming tatlo at nagkabati na kaming lahat.
yung pangalawa, ikinagalit niya na iniwan namin siya ng isa ko pang kaibigan, tama naman siya dahil may hirap siya sa paglalakad noon, di namin napansin nung kaibigan ko na kailangan pala niya ng kasama, siguro masyado lang kming maligaya. di namen alam galit na pala siya samin, at hirap na hirap kaming makipagbati sa kanya, peru sempre ayun pinatawad rin niya kmi kahit papano. x[.
sa ngayon, hindi na rin ako naiinis sa kanya, narerealize ko nun na mxado lang akong childish. toinkz

minsan tinanong ko na sa sarili ko, what's the big deal kung may taong namamlastik sa'yo? dapat mo bang ikagalit yon? san ka ba naiinis? dahil mabait siya sa'yo pag nakaharap ka tapos kugn anu-anu na pala sinasabi sa'yo kapag nakatalikod ka na. Sa bagay, nakakainis naman talaga yon. Pero sa tingin ko, dapat hinahayaan mo nalang yun, gumagawa lang din sila ng mga problema. Mapapagod din sila. talaga nga namang totoo yung kasabihang 'you can't please anybody'. Di lahat ay pwede kang puriin, andyan yung mga taong kumukutya at ang mas masaklap pa 'don eh kung yung tao ay talagang hinahanapan ka ng mali.
Ako nga, kapag may kinaiinisan ako, i keep it to myself nalang yung iba minsan sinasabi ko, dahil di rin naman ako sigurado, minsan di ako inis sa mismong tao kundi dun sa sinabi niya, o sa ginawa niya, o talagang naiinis lang ako sa sitwasyon.
Mas gusto ko pa rin kapag wala akong kinaiinisan, ang sarap atang maging masaya araw-araw, ayoko ng dahilan para mabadtrip, kasi kapag may kinaiinisan ako, sila nalang yung pinagtutuunan ko ng pansin, nadidistract ako as usual.

haha, cge sabihin niyo na gusto niyo, i don't care.

No comments: